Tuesday, February 14, 2012

5 nadaganan ng gumuhong pader sa Davao

Alas-7 kagabi nang bumuhos ang malakas na ulan sa Davao City. Umapaw ang tubig at binaha ang mga kalsada. Stranded ang mga motorista at pasahero at nagdulot ng traffic. Pinasok din ng tubig ang ilang gusali.

Tumaas ang tubig sa Purok 9 sa Barangay Communal.

Bumigay ang pader at bumagsak sa dalawang bahay. Limang residente ang nadaganan ng mga bato at semento.

Mabilis na nailigtas ang isa sa mga biktima.

Pahirapan ang paghugot sa apat pang natitirang nadaganan ng pader lalo't makapal ang putik sa lugar.

Inabot din ng isang oras bago nakuha ang mga biktima na nagtamo ng mga bali sa paa.

"Nasa loob ang aking asawa, anak, at mga apo. Buti na lang na-rescue agad sila ng mga kapitbahay,” sabi ni Lorna Villarubia, asawa ng isa sa mga biktima.

"More on na-trap sila sa lower extremities," sabi ni Jeffrey Tahura, team leader ng rescue team.

Itinayo ng isang kumpanya ng kotse ang bumagsak na pader na humina ang pundasyon dahil sa lakas ng agos ng baha. Nangako naman ang kumpanya na tutulong sa pagpapagamot sa mga biktima.

"Mabigat kasi ang pader at maputik ang ilalim kaya bumagsak ito," sabi ni Alfredo Baluran, hepe ng Buhangin Police Station.
http://www.blogger.com/img/blank.gif
Ang sabi naman ni Joseph Magaway, finance manager ng Toyota-Davao, "We committed that all the victims, we will attend to them until their full recovery."

Dali-dali namang lumikas ang mga residente sa Matina crossing dahil tumaas ang lebel ng tubig sa Balusong River.

Ayaw nang maulit ng mga residente ang sinapit sa nangyaring flashflood noong Hunyo 2011 kung saan higit 30 ang namatay at daan-daang bahay ang nasira.

Bagama't humupa na ang baha nagbabantay pa rin ang mga residente lalo't hindi pa gumaganda ang panahon. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino, Davao City

Saturday, February 4, 2012

Gold swept away by floods found in Davao del Norte

Trahedya ang karaniwang dala ng baha pero swerte ang pakiramdam ngayon ng mga taga-Asuncion sa Davao del Norte dahil dinala umano ng baha ang mga ginto sa kanilang ilog. Mula Davao, magba-Bandila si Francis Magbanua.

Thursday, December 29, 2011

9 Davao del Norte villages under state of calamity

Nine barangays in a town in Davao del Norte were placed under a state of calamity after flood waters inundated the area on Tuesday.

The local government of Kapalong town placed 9 barangays under a state of calamity after knee-deep waters forced at least 700 families to flee their homes.

An overflowing Pagsabanan River also triggered evacuation in Barangay Poblacion.

No casualties were reported, but incessant rains destroyed hectares of crops.

The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), meanwhile, said at least 26 houses were totally destroyed in Kapalong by the flooding.

Meanwhile, about 1,500 families from Barangay Guadalupe in Carmen town sought higher ground.

Nine people died due to floods caused by heavy rains.

Two persons were reported missing, while 4 were injured.

Weather bureau PAGASA on Thursday said Visayas and Mindanao will experience better weather condition since the tail-end of the cold front has diffused. – with a report from Francis Magbanua, ABS-CBN News Southern Mindanao

Wednesday, December 28, 2011

Higit 700 pamilya, inilikas dahil sa baha

Gamit ang mga rubber boat, isa-isang ni-rescue ang mga pamilya na na-trap sa lampas-bahay na baha sa Purok 10, Barangay Pag-asa Kapalong, Davao del Norte kagabi.

Unang sinakay ang mga bata at mga babae.

Sa tindi ng baha, hirap ang mga rescuers na maniobrahin ang rubber boat.

Pagdating sa mababaw na bahagi, agad inabot sa mga sundalo ang mga naisalbang residente para dalhin sa evacuation center.

Aabot sa mahigit sa 700 pamilya mula sa 9 na barangay sa Kapalong ang apektado ng baha.

“Nag-start ang baha umaga pa dahil sa walang tigil na ulan. Tumaas ang tubig kaya lumikas na ang iba,” sabi ni Kapalong Mayor Eduardo Timbol.

Dahil sariwa pa ang imaheng iniwan ng bagyong “Sendong” sa Northern Mindanao, maraming pamilya ang nagpumilit mailikas dahil sa takot.

“Naniniguro lang kami baka kasi maparehas sa Cagayan,” ani Carol Tatoy, isa sa mga binaha.

Pero mayroon ding nagdesisyong manatili na lang sa kanilang mga bahay hanggang humupa ang baha.

Problema din ang hanapbuhay ng mga magsasaka dahil lubog sa baha ang mga palayan, maisan at sagingan.

Inaalam pa ang halaga ng pinsala ng baha. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino sa Davao

12/28/2011 10:10 PM

Thursday, December 22, 2011

13 unknown Sendong victims laid to rest

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines - Thirteen unidentified victims of tropical storm Sendong have been buried in Cagayan de Oro.

Their bodies can still be retrieved if relatives claim them.

Only soldiers, some journalists, and workers at a public cemetery were able to offer prayers for 13 decomposing bodies buried in Camaman-an, Cagayan de Oro.

The bodies did not have names -- only tags.

National Bureau of Investigation officers placed the remains in a chamber, so they can easily be exhumed.

"Itong bangkay temporarily ilibing namin. Di nakilala kaya ginawa namin yong identification process. Pag nagkakaroon ng positibo result sa reconciliation stage, kukunin yung bangkay at isasauli sa relatives nila," said Dr. Wilfredo Tierra, chief of the NBI's Disaster Victims Identification Team.

Sendong brought Cagayan de Oro to its knees, but it also gave rise to heroes -- storm victims helping others who suffered more.

"Simpleng kaligayahan po. Eto na yung pang-Christmas ko sa kanila saka sa sarili ko. I know how it feels po, na mabahaan," said nurse Sarah Corpus.

"Mahirap na hindi ka tumulong sa kapwa mo. Kahit na nabahaan ka na, kahit ikaw mismo nawalan ka ng kaibigan, mahirap na hindi tumulong kasi taga-dito tayo eh," said Dr. Tedd Feliciano.

"Overwhelming na ano, masaya po," said Janice Umalay, a volunteer in ongoing relief operations in Cagayan de Oro.

Other survivors, meanwhile, are trying to move on from the tragedy.

Some were cleaning up, while others are rebuilding their homes and their lives.

"Ang sa akin lang, may masilungan man lang kami ngayong Pasko kahit mahirap," said flood victim Teresita Bragas.

Many are still in evacuation centers, where diseases are spreading.

Government is now looking for a permanent relocation site for them. - reports from Jorge CariƱo and Francis Magbanua, ABS-CBN News; ANC