Sugatan dahil sa paputok, 8 na sa Pangasinan
Sa ospital na magba-Bagong Taon ang 16-anyos na si "Mark" nang masabugan ng paputok na ‘dynamite’ ang kanyang kaliwang hita kagabi.
Nasa walong pulgada ang haba ng paputok na ‘dynamite’.
Ayon sa biktima, nanonood lang siya ng mga lasing na nagpapaputok sa Barangay Bacayao Sur sa Dagupan City nang utusan siyang magsindi ng paputok.
Nabitawan niya ito nguni't nadampot ito ng isang lasing at hinagis sa lugar na kanyang pinagtataguan.
"Iyong ‘dynamite’ pinipilit nila na sinindihan ko, tapos ako naman sinidihan ko rin, sabay takbo. Pinulot ng isa, tinapon sa madilim, hindi niya alam na nandoon ako,” sabi ni Mark.
Si Mark ang ika-8 kaso ng mga naputukan sa Pangasinan mula noong Disyembre 21.
Bagamat bawal ang mga paputok sa Davao City, sa ospital sa lunsod dinadala ang mga biktima ng paputok.
Gaya ng tricycle driver na si Gary Alag ng Davao del Sur na naputulan ng kanang kamay.
Hindi niya nabitawan agad ang sinindihang paputok na ‘Pla-Pla’ kaya sumabog ito sa kanyang kamay.
Lapnos naman ang harapang bahagi ng katawan ng 10-taong gulang na si Winston mula Makilala, North Cotabato matapos sumabog ang bamboo cannon na kanilang pinaglalaruan.
"Nagsisisi talaga ako, hindi ko sila nabantayan," sabi ng inang si Imelda Gecole.
Ipinagmamalaki naman ng Davao City na” zero casualty” sila sa paputok ngayong Pasko ngunit naghahanda pa rin ang mga ospital para sa posibleng pagdagsa ng mga pasyente sa Bagong Taon. - Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino, Davao City.

Comments