Flies swarm villages in Panabo City


Malaking problema para sa mga residente ng Barangay Kiotoy, Panabo City, Davao del Norte ang pamemeste ng napakaraming langaw.

Sa sobrang dami, mistulang disenyo na ng mantel ang mga langaw.

Hirap ang mga residente na itaboy ang mga langaw.

"Perwisyo talaga 'to sa buhay namin, eto nga, nagkakasakit na kami," ani Vicente Alipio, residente sa lugar.

Bahagi na ng buhay dito ang mga langaw. Sa hapag kainan, tila nakikisalo sa pagkain ang mga langaw.

Nakasanayan na raw ng mga residente dito ang pagtaboy ng langaw habang sumusubo ng pagkain.

Hindi tuloy maiwasan na mangamba ang ilan sa kanila sa sakit na posibleng dala ng mga pesteng langaw—lalo na sa mga bata.

Si Lola Josefina Caballes, na namatayan ng apo at sinisisi ngayon sa mga langaw: "Masaklap ang sitwasyon namin. Namatay ang apo ko dahil sa langaw na 'yan."

Isinisisi ng mga residente ang pagdami ng langaw sa katabing manukan, pati na sa binibilad na saging na ginagawang kaning baboy na siyang kabuhayan ng maraming residente.

Tumanggi namang magpa-interview ang mga may-ari ng manukan.http://www.blogger.com/img/blank.gif

Nagbabala ang mga opisyal ng barangay. "May napagkasunduan na kami na kung 'di nila ma-control ang pagdami ng langaw, hangang ngayong taon na lang sila. Ipapasara namin sila," ani Lucena Macasling, kapitan ng Barangay Kiotoy.

Idadaing na rin ng mga residente sa Panabo City Health Office ang kanilang nakakadiring problema. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino sa Davao City

Comments

Popular Posts