Tuesday, April 26, 2011

Mom greives for husbdand, kids burried in landslide


Sa pagkakahukay ng tatlong bangkay sa Sitio Panganaso Lunes nang umaga, humagulgol si Anicita nang makita ang mga labi ng asawang minero na si Cristituto Torrejos.

Ang masaklap, tatlo sa kanyang mahal sa buhay ang natabunan sa landslide.

Noong Biyernes, unang nakita ang bangkay ng anak niyang si John Ric. Nawawala ang isa pa niyang anak na si Cristituto Jr.

"Sabi niya 'Maglinis daw ako ng bahay kasi uuwi daw sila,' ani Anicita.

Ilan naman sa 13 nakaligtas sa trahedya ang nanatili sa mga ospital. Tumutulong naman ang kanilang mga kaanak sa paghahanap sa 15 pang nabaon sa landslide. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino, Compostela Valley

No comments: