Mga namatay sa baha sa Davao, umabot sa 29
MGA NAMATAY SA BAHA SA DAVAO, UMABOT NA SA 29
Nagsimula nang magsibalikan sa kanilang bahay ang mga nagsilikas noong kasagsagan ng baha sa Davao City.
Ang problema nila ngayon ay kung paano muli babangon dahil halos lahat ng kanilang naipundar ay inanod na ng baha.
Muling sinuyod ng search and rescue team ang mga binahang lugar para hanapin ang 14 pang nawawala.
Sa Kilometer 5, Matina Pangi, natagpuan ang mga labi ng isang taong gulang na si Rogelio Valderoza III.
Inanod ng baha ang kanilang bahay kasama ang kanyang inang si Elsa at mga kapatid na sila Catherine at Rowena.
“Nabitawan siya ng aking asawa sa kasagsagan ng baha," sabi ng ama ng biktima.
Isa pang bangkay ng babae ang natagpuan kagabi sa isang resort.
Kinilala ng amang si Lucio Tanio ang biktima na si Keizle Tanio, 16, at isa sa nawawala dahil sa baha.
Siksikan pa rin ang nagsilikas sa mga evacuation centers.
Lalo na't bigla na namang bumuhos ang ulan kagabi.
Marami tuloy ang natakot na baka maulit ang mala-delubyong baha.
"Naulanan kasi ang anak ko kagabi paglikas namin kaya po nilagnat ang anak ko ngayon,” sabi ni Rose Orpina.
Ang iba naman, bumalik na sa kani-kanilang lugar pero halos wala silang nadatnan.
Nagkalat ang mga yero sa paligid, mga nagibang bahay, at maruruming gamit.
Ang mga sasakyang binaha, nakahambalang pa rin kung saan-saan.
Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng pagkain.
Ang ABS-CBN Sagip Kapamilya, namigay rin ng lugaw at relief goods.
Naghahanap na ng relocation site ang lungsod para sa mga nakatira sa tabing-ilog at magpapatayo na rin ng flood control.
Sa kabuuan, mahigit 12,000 pamilya ang apektado ng pagbaha dito sa Davao at 137 kabahayan ang nawasak.
Nilinaw naman ng OCD-Davao na 29 ang official count ng patay sa flashflood sa Davao City.
Mula sa 30 na unang iniulat na patay, nilinaw na 29 lang ang aktuwal na bilang dahil na-doble ang count sa isa sa mga namatay.
May isang bangkay na nakuha sa Isla Punta del Sol at dinala sa Sta. Ana Wharf kaya’t na-doble ang bilang.
06/30/2011 10:17 PM

Comments