Davao City Mayor Duterte sinapak ang court sheriff
Alas-8 ng umaga kanina, nabalot ng tensyon ang Barangay Kapitan Tomas Monteverde Sr. sa Agdao, Davao City dahil sa demolisyon.
Kasado na ang riot pulis at SWAT kasama ang demolition team.
Nakabarikada naman ang mga residente.
Ang mga babae, gumawa ng human chain.
Sa loob ng barikada, nakaabang ang mga lalaking handang lumaban.
Habang nagnenegosasyon sa pagitan ng mga residente at ni Sheriff Abe Andres, tumawag si Mayor Sara Duterte. Humihingi siya sa sheriff ng 2 oras na palugit.
Hindi pa man natatapos si Mayor sa kanyang relief operation ay nagbigay na ng go-signal si Sheriff Abe Andres ng RTC Branch 16 na simulan ang demolition.
Nagkasagupaan na.
Binuwag ng demolition team ang barikada. Nagliparan naman ang mga bato.
Nagkabakbakan pero wala ring nagawa ang mga residente at natuloy ang demolisyon.
Habang nagkakagulo, biglang dumating si Mayor Sara Duterte at pinaalis ang demolition team.
Ang mga naiwan sa demolition site ay pinaluhod at pinagalitan.
Binalingan din niya ang hepe ng Santa Ana police at ang commander ng City Public Safety Management Company dahil hindi napigilan ang karahasan.
Pinatawag ng mayor si Sheriff Abe Andres at sinalubong ng magkakasunod na suntok sa mukha.
Sinubukang lumayo ni Andres pero ipinahabol ito ni Duterte sa kanyang mga bodyguard at kinaladkad pabalik kay Mayor.
Dinakma ni Mayor ang sheriff at pinagalitan.
Sa galit ni Mayor Duterte, dinuro-duro pa nito si Andres sa dibdib habang patuloy na sinasabon.
Nang humupa ang galit ng mayor, ipinadala niya si Andres sa ospital.
Habang nakaupo, kapansin-pansing nilagyan ng towel ang kamay ni Duterte dahil namaga.
Iniutos ng korte ang demolisyon ng 200 shanties sa lupang pagmamay-ari ng isang negosyante. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino sa Davao

Comments