5 nadaganan ng gumuhong pader sa Davao
Alas-7 kagabi nang bumuhos ang malakas na ulan sa Davao City. Umapaw ang tubig at binaha ang mga kalsada. Stranded ang mga motorista at pasahero at nagdulot ng traffic. Pinasok din ng tubig ang ilang gusali.
Tumaas ang tubig sa Purok 9 sa Barangay Communal.
Bumigay ang pader at bumagsak sa dalawang bahay. Limang residente ang nadaganan ng mga bato at semento.
Mabilis na nailigtas ang isa sa mga biktima.
Pahirapan ang paghugot sa apat pang natitirang nadaganan ng pader lalo't makapal ang putik sa lugar.
Inabot din ng isang oras bago nakuha ang mga biktima na nagtamo ng mga bali sa paa.
"Nasa loob ang aking asawa, anak, at mga apo. Buti na lang na-rescue agad sila ng mga kapitbahay,” sabi ni Lorna Villarubia, asawa ng isa sa mga biktima.
"More on na-trap sila sa lower extremities," sabi ni Jeffrey Tahura, team leader ng rescue team.
Itinayo ng isang kumpanya ng kotse ang bumagsak na pader na humina ang pundasyon dahil sa lakas ng agos ng baha. Nangako naman ang kumpanya na tutulong sa pagpapagamot sa mga biktima.
"Mabigat kasi ang pader at maputik ang ilalim kaya bumagsak ito," sabi ni Alfredo Baluran, hepe ng Buhangin Police Station.
http://www.blogger.com/img/blank.gif
Ang sabi naman ni Joseph Magaway, finance manager ng Toyota-Davao, "We committed that all the victims, we will attend to them until their full recovery."
Dali-dali namang lumikas ang mga residente sa Matina crossing dahil tumaas ang lebel ng tubig sa Balusong River.
Ayaw nang maulit ng mga residente ang sinapit sa nangyaring flashflood noong Hunyo 2011 kung saan higit 30 ang namatay at daan-daang bahay ang nasira.
Bagama't humupa na ang baha nagbabantay pa rin ang mga residente lalo't hindi pa gumaganda ang panahon. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino, Davao City

Comments